KATIWALIAN SA CLARK AIRPORT SUMABOG

WALA na sa ayos ang gawain ng isang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Clark International Airport sa Pampanga kung saan kahit ngayong panahon na may pandemic ay nilalabag nito ang ilang foreign policy at health protocol na ngayo’y umiiral.

Mula noong nagkaroon ng pandemic at nagkaroon ng travel ban ay naging istrikto ang mga ahensya ng pamahalaan lalo sa pagpasok sa ating bansa ng mga dayuhan.

Ngunit ang isang tauhan umano ng BI sa Clark ay madalas magpalusot ng Korean nationals kahit wala ang mga itong endorsement mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang payagan silang makapasok ng bansa.

Noong August 23, ilan sa mga Korean na lumapag at pinapasok sa Clark airport ay sina LIU SUNG BIN, YOU CHANGHEE, PARK JAM SOON at KIM KEAN HYENG, na ayon sa ginawang verification umano ng Immigration officers ay wala ang mga itong pahintulot mula sa DFA kung kaya’t nagkakagulo ngayon ang mga tauhan ng BI-Clark at ginawan ito ng incident report upang iparating sa hepe ng Port Operations Division ang pangyayari.

Ngunit ito kaya ay aksyunan ni POD Chief, Atty. Carlos Capulong o pipikit na lamang na parang walang nangyari? Ano kaya ang mangyayari sa ginawang incident report, ito kaya ay mababaon na lamang sa limot ng mga opisyales ng ahensya na posibleng kasabwat at nakikinabang sa isang tauhan ng BI sa Clark na itatago na lamang natin sa bansag na “Mr. Pure Energy”.

Talaga namang napakalakas umano ng loob ng kumag na ito dahil mismong ang kanya pang jowa umano ang sumusundo sa pintuan ng eroplano sa mga Korean na kahit walang papel.

Bukod umano sa malaking halaga na natatangap nito sa sindikato ay binigyan pa ito ng isang Nissan Terra at libreng hotel room na eksklusibo para sa mga Korean national.

Pero, teka hindi ba’t ang hepe ng BI Clark Airport ay ang anak ni Leon Guerrero na si Maan Krista Lapid? Ano kaya ang ginagawa ni Lapid, hinahayaan lamang ba niya na gawin ang mga ganitong ilegal na gawain ng kanyang tauhan?

Paging DOJ Secretary Menardo Guevarra, Sir! Pakisilip nga po itong incident report na ginawa ng Immigration officers na nagsumbong dahil hindi na nila masikmura umano ang garapalang katiwalian sa ­naturang airport.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaari ninyo akong i-text sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

586

Related posts

Leave a Comment