POSIBLENG KAWALAN NG HERD IMMUNITY PAGHANDAAN – IMEE

NAGBABALA at pinaghahanda ni Senador Imee Marcos ang Pilipinas sa mas matinding senaryo na hindi na makakamit ang target na herd immunity.

“Mananatiling teyorya ang herd immunity na ‘moving target’ sa ngayon. Nitong nagdaang taon, target natin ang nasa 70% ng populasyon, ngayon 90% na, pero bukas maaaring lampas na sa kakayanan natin,” pangamba ni Marcos.

“Sa harap ng mataas nang demand o pangangailangan ng mga booster shot, maging ang unang dose pa lang ay hindi pa nakakarating sa populasyon ng mga ‘less developed countries, kayanin pa kaya ng mga manufacturers na makapagbigay ng bakuna?” tanong ni Marcos.

Bukod sa kawalang katiyakang supply sa buong mundo, dagdag ni Marcos, ang ma-impeksyon ang mga nabakunahan na, ang pagsulpot ng mas marami pang COVID-19 variant, ang kawalang katiyakan kung gaano katagal magiging epektibo ang mga bakuna, at ang posibleng pagbaba ng kapasidad ng healthcare dahil sa pagsasara ng mga ospital at protest ang mga manggagawa ay mga dahilan kaya malabo pang maabot ang herd immunity.

“Mas maiging maghatid na lang ako ng masamang balita kaysa magbigay ng maling pag-asa o magpaasa. Sa katotohanan, ang pagkontrol sa pandemya ay naging Sisyphean struggle,” dagdag pa ni Marcos, na tumutukoy sa Greek myth o alamat ng hari na ang habang buhay na kaparusahan para mapigilang mamatay ay ang paulit-ulit na pagpapagulong ng malaking bato paakyat sa burol ngunit hindi maabot-abot ang pinakatuktok.

Nakadagdag pa sa nakababahala, ani Marcos, ay ang pagtatanggal ng travel ban sa sampung bansa, na epektibo na ngayong araw matapos irekomenda sa Pangulo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Paliwanag ni Marcos, ang Estados Unidos na nasa 54% na ang mga nabakunahan, ay nananatiling istrikto sa pagpapapasok sa mga non-immigrant traveler mula sa India at inilista ang Bangladesh, Malaysia, Nepal, Thailand, at UAE bilang ‘Very High Risk’ countries, habang ang Indonesia, Oman, at Sri Lanka naman ay ikinokonsiderang ‘High Risk’.

Maging ang United Kingdom na fully vaccinated na ang 65% ng kanilang populasyon, inilagay pa rin nito sa ‘Red List’ ang Bangladesh, Indonesia, Nepal, Oman, Pakistan, Sri Lanka, at Thailand. (ESTONG REYES)

150

Related posts

Leave a Comment