Labas sa magic 12 at takot mabisto na walang boto LENI TIKLOP SA SENADO

MAKARAANG magpahiwatig ng suporta sa tambalang Isko Moreno-Manny Pacquiao bilang pambato ng oposisyon sa nalalapit na 2022 presidential derby, maging pagtakbo sa Senado ay inayawan din ni Vice President Leni Robredo kasabay ng pahiwatig na target na lang nitong kumandidato para sa isang local position.

Sa isang panayam, tahasang sinabi ni Robredo na ang pagtakbong senador ay malayo sa kanyang plano. Pag-amin pa niya, hindi siya kumbinsidong magiging epektibo siya bilang isang mambabatas bagamat isa siyang kongresista bago pa man naging Bise-Presidente.

“No, I’m not,” tugon ni Robredo nang tanungin kung siya’y tatakbong senador matapos nitong sabihing susuportahan niya ang tambalang Isko-Pacquiao bilang pambato ng oposisyon.

“Tingin ko, hindi ‘yun ‘yung aking strength,” dugtong pa nito.

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang ilang tulad niyang politiko. Maging ang mga political analyst, may paliwanag sa pag-atras nito. Anila, hindi paborable ang resulta ng mga survey na isinagawa mismo ng kampo ni Robredo. Lumalabas na maging sa kanilang pagtatala, hindi man lang pumasok sa Magic 12 ang pangalawang pangulo.

Maging sa survey na isinagawa ng “Publicus Asia,” wala sa Magic 12 ang pangalan ni Robredo. Kabilang sa mga napulsuhan para sa Senado sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dating Senador Francis “Chiz” Escudero at ang tanyag na si Dr. Willie Ong.

Pasok naman sa ika-apat na pwesto si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, Pacquiao, Senador Risa Hontiveros, dating Senador Loren Legarda, dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senador Joel Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, Davao Mayor Sara Duterte-Carpio at dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa labas ng Magic 12 naman lumutang ang pangalan nina TV host Willie Revillame at Kris Aquino, nakababatang kapatid ng yumaong pangulo.

Isinagawa ang nasabing survey na nilahukan ng 1500 respondents mula July 13 hanggang 19.

Mula naman Enero hanggang buwan ng Hulyo, malayo ang agwat ni Robredo sa mga nangungunang personalidad na napabalitang interesadong tumakbong Pangulo. Nangunguna sa mga isinagawang survey ng Pulse Asia at Social Weather Station si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Dikit naman sa pangalawang pwesto si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at nasa pangatlong pwesto ang dating pound-for-pound boxing champion Senador Manny Pacquiao.

Sa kabila ng pangunguna ng batang Duterte sa survey para sa 2022 presidential election, tahasang inamin ng amang pangulo na hindi na tutuloy ang kanyang anak. Ito rin ang aniya ang dahilan kaya siya tatakbong Bise-Presidente.

“I can run for a local position, I can retire, I can just help the next administration if I don’t run for president,” saad pa ni Robredo na dati nang napaulat na inaasintang kumandidatong gobernador sa kanyang lalawigan.

177

Related posts

Leave a Comment