ASSETS NG PHARMALLY OFFICIALS, I-FREEZE

IGINIIT ni Senador Leila de Lima na i-freeze ang lahat ng assets ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at maging ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.

Sinabi ni de Lima na katulad ng maraming Pinoy, ikinagulat niya ang parada ng luxury vehicles ng mga opisyal ng Pharmally.

“Like everyone else, I was shocked by the parade of Lamborghinis, Porsches, and Lexuses owned by the directors of Pharmally who apparently went wild on a luxury car buying-spree after receiving their 8.7 billion windfall from selling overpriced PPEs, masks, and face shields to the government. Kulang na lang yung Maserati ni ex-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao kumpleto na sana,” pahayag ni de Lima.

“Alam naman nating laway lang ang puhunan ng mga ito, lalo na ang laway ni Michael Yang na tila ba napakatamis para kay Duterte at siya pa ang tumatayong abogado para sa kanila. Alam naman nating si Michael Yang lang at ang kanyang koneksyon kay Duterte ang dahilan kung bakit nakorner ng mga ito ang bilyon-bilyon na kontrata sa gobyerno,” diin pa ni de Lima.

Dahil dito, binigyang-diin ni de Lima na mas malalim na imbestigasyon ang dapat gawin ng gobyerno sa pondo ng Bayanihan 2.

“Napakahalimaw nga naman talaga ng mga Pharmally directors na ito ano po? Mga walang kaluluwa, pati na iyong kanilang mga kasabwat sa gobyerno katulad ni Usec. Lao, ang nasa gitna sa lahat ng transaksyong ito na si Michael Yang, at ang kanilang kalabaw na tinutuntungan sa Malacañang, walang iba kung hindi si Duterte,” giit nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

225

Related posts

Leave a Comment