PINAS ‘ENDGAME’ NA SA DELTA VARIANT

NANINIWALA ang OCTA Research Group na nasa huling yugto na ang laban ng Pilipinas kontra COVID-19 Delta variant dahil sa patuloy na pagbaba ng reproduction number.

“I think we’re at the… what we’d might call the endgame of the Delta variant because it’s already starting to decrease,” ayon kay OCTA Research member Guido David.

Sinabi ni David na bumaba na sa 1.1 ang reproduction rate sa Metro Manila at mas mababa na sa zero ang growth rate sa mga nakalipas na araw.

Para maikonsidera na wala nang hawahan na nagaganap sa isang lugar, kailangan ang reproduction number ay mas mababa sa 1.0.

“We are seeing good news in Metro Manila. We’re happy to share this with everyone because as we noted, protecting the fourth quarter is very important and I think, with the downtrend, we are starting to see this is now becoming a reality,” ayon kay David sa Pandesal Forum.

Nakikita rin umano ang kahalintulad na sitwasyon sa mga karatig-lalawigan na Cavite, Laguna, at Bulacan, ngunit patuloy naman ang pagtaas ng mga kaso sa ibang rehiyon tulad sa Region 2.

Kahalintulad umano ito ng naganap noong nakaraang Abril makaraang magpatupad ng istriktong quarantine protocols. (RENE CRISOSTOMO)

191

Related posts

Leave a Comment