NEW FACE SHIELDS REGULATIONS INAAPURA NA

MINAMADALI na ng Department of Health ang pagrebisa sa regulasyon hinggil sa paggamit ng face shields makaraang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito gagamitin sa ‘open areas’ kundi sa mga piling lugar at sitwasyon na lamang.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susundin nila ang rekomendasyon ng mga eksperto na gamitin na lamang ang face shields sa 3s (closed, crowded, close-contact settings).

“Ito po ‘yung indoor activities, especially in settings where there is crowding or exposure risk or promotes close contact based on the nature of work, such as with establishments and in transportation,” pahayag ni Vergeire.

Isa pang rekomendasyon ay gamitin pa rin ang face shield sa ‘indoor at outdoor dining’, maliban na lamang kung aktuwal nang kumakain; at mga pagtitipon ng maraming tao maging ‘indoor man o outdoor’.
Kasama rin ang iba pang aktibidad na magkakaroon ng malapitang kontak sa ibang tao tulad ng ‘personal care services’.

Ngunit bago tuluyang maaprubahan, kailangan pa umanong sumang-ayon sa bubuuing panuntunan ang pitong pang ibang mga ahensya ng pamahalaan. (RENE CRISOSTOMO)

153

Related posts

Leave a Comment