GINEBRA, PHOENIX AGAWAN SA NO. 8

Ni ANN ENCARNACION

MAPANINDIGAN kaya ng Barangay Ginebra ang kanilang war cry ‘Never-Say-Die’ sa do-or-die match up kontra Phoenix para sa final slot ng 2021 PBA Philippine Cup quarterfinals?

Malalaman ngayong 4:35 ng hapon kung hahakbang sa playoffs ang Philippine Cup defending champ Gin Kings, o tuluyan na silang pauuwiin ng Fuelmasters mula sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Inaasahang sasanda­lan ng Ginebra sina Joe Devance, Jeff Chan, Stanley Pringle, Christian Standhardinger at LA Tenorio, samantalang sina Matthew Wright, Jason Perkins, Chris Banchero, Larry Muyang at RR Garcia sa panig ng Phoenix.

Sa tanging elimination round game sa pagitan ng Ginebra at Phoenix, nanaig ang Gin Kings sa iskor na 94-87.

Ngunit sa muli nilang paghaharap ngayon ay hindi makakalaro ang main big man ng Ginebra na si Japeth Aguilar dahil sa knee injury, maging si Scottie Thompson dahil sa health at safety protocol ng liga.

Ang mananalong team ang ookupa sa final 8th ng quarterfinals at makakaharap ng top seeded TNT. May twice-to-beat advantage o dalawang beses na dapat talunin ng kalaban ang Tropang Giga, habang kailangan lang nito ng isang panalo tungo sa semis.

182

Related posts

Leave a Comment