Imbes magbigay ng booster PAGBABAKUNA SA PROBINSYA UUNAHIN

MALABO pang magbigay ng COVID-19 booster shots ang Department of Health (DOH) sa halip ay ipagpapatuloy nito ang pagbibigay ng una at ikalawang dose ng bakuna sa mga hindi pa nabibigyan nito lalo na sa mga nasa lalawigan.

“We have to prioritize vaccinating those who have not yet received a single dose of COVID-19 vaccines, especially in our provinces and other far-flung areas. Because these areas typically have lower health care capacity, it becomes more important that the people are protected from severe and critical COVID-19,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Importante umano na matiyak na mabibigyan ng una at ikalawang dose ang mga nasa ‘high-risk groups’ tulad ng healthcare workers (HCWs), senior citizens, at mga may comorbidities sa mga rehiyon. Kung hindi aniya agad maisasagawa ito, magreresulta ito sa mas mataas na bilang ng mga kaso at muling pagsisiksikan sa mga pagamutan.

Pero inamin ng DOH na sa kanilang pagsusuri nitong Setyembre 21, nasa 12 bansa na ang nag-umpisang magbigay ng booster shot ngunit inuna ang mga nakatatanda at mga may comorbidity.

Plano umano ng DOH na simulan ang pagbibigay ng booster shots kapag may sapat nang ebidensya na kakailanganin ng isang bakunado ang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (RENE CRISOSTOMO)

182

Related posts

Leave a Comment