NORTHPORT PINAUWI NG SMB

HINDI lang winalis, nilampaso pa ng San Miguel ang NorthPort, 100-95, sa Game 2 ng best-of-three 2021 PBA Philippine Cup quarterfinals kahapon sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Dahil sa panalo, ang Beermen ang may pagkakataong harapin ang nangungunang TNT sa best-of-seven semifinals.

Bumida para sa SMB si CJ Perez sa natipong 21 puntos, habang nag-ambag sina Mo Tautuaa ng 17 at 15 si Marcio Lassiter.

Samantala, dobleng depensa ang inilatag ng Beermen laban kay Batang Pier Robert Bollick na nagpahirap sa kanila sa Game 1.

Gumana naman ito nang malimitahan ng SMB si Bollick sa 12 puntos.

Hindi pa batid kung kailan magsisimula ang semifinal series ng TNT-SMB ngunit ngayon pa lang ay excited na si Perez, na unang beses napa­sabak sa playoffs at may pagkakataon pang magkampeon.

Dating star player ng Terrafirma Dyip si Perez na na-trade sa Beermen kapalit ng ilang bench players.

108

Related posts

Leave a Comment