INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.
Ang pahayag na ito ng pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go.
“In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago, I now say sa mga kababayan ko sundin ko ang gusto ninyo and today I announce my retirement from politics,” ayon sa pangulo.
Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng “good luck” ang pangulo kay Go.
“First of all, i’d like to wish Senator Bong Go all the best and good luck in his quest for the vice presidency,” aniya pa rin.
Opisyal nang naghain si Go ng kanyang certificate of candidacy para sa vice presidential bid nito sa Eleksyon 2022. (CHRISTIAN DALE)
