Apela ni Defensor sa Senado P1K SOCIAL PENSION NG SENIORS IPASA NA

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Senado na ipasa na ang kanilang hiwalay na bersyon ng panukalang batas na doblehin ang social pension ng mahihirap na senior citizens.

Ginawa ni Defensor ang panawagan sa mga senador kasabay ng paggunita sa Elderly Filipino Week, base sa proklamasyon na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The bill is already with the Senate, after the House passed it in July. In fact, no less than Senate President Vicente Sotto III authored the counterpart Senate bill. Now would be a good time for the Senate to pass the bill while we are observing Elderly Filipino Week,” ani Defensor.

Sa kasalukuyan, P500 kada buwan lamang ang natatanggap na social pension ng 3.8 million senior citizens na hindi na umano sapat sa pangangailangan ng mga ito lalo na sa gamot na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.

Dahil dito, pinagtibay ng Kamara ang House Bill (HB) 9459 noong Hulyo subalit hanggang ngayon ay hindi pa ipinapasa ito sa Senado kaya nakiusap ang kongresista sa mga senador na bigyan na ito ng prayoridad upang matulungan ang mahihirap na matatanda sa bansa.

“We have a multitude of elderly Filipinos rearing their grandchildren whose parents have been driven to work overseas in search of greener pastures,” ayon pa kay Defensor, vice chairperson ng House Committee on Welfare of Children.

Kailangan na kailangan umano ng mga matatanda ang nasabing panukala kaya dapat maipasa na ito sa lalong madaling panahon bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa noong sila’y malakas pa.

 “Countless elderly Filipinos also keep on working not only to support themselves, but also to help pay for the needs of their financially struggling children and grandchildren,” dagdag pa ng mambabatas.

Bukod sa dodoblehin ang social pension, inaatasan sa nasabing panukala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Budget and Management (DBM) na rebyuhin ang batas at desisyunan kung kailangan bang itaas ang pensyon ng mga mahihirap na senior citizens lalo na kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. (BERNARD TAGUINOD)

130

Related posts

Leave a Comment