Babala sa publiko ‘WAG PAKAMPANTE SA COVID-19

BINALAAN ni ACT-CIS nominee Edvic Yap ang publiko na huwag maging kampante at sa halip ay patuloy na maging maingat kahit pa tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon.

Sinabi ni Yap, “mas mainam na maging maingat tayo ngayon para iwas sa biglang paglobo na naman ng virus sa ating bayan.”

“Pero I believe we have learned our lesson at experience na rin kung papaano at ano ang dapat gawin para makaiwas sa COVID,” ayon pa kay Yap.

“Pag tumaas kasi ang hawaan, mapupuwersa ang gobyerno na balik ECQ (enhanced community quarantine) at lockdown tayo kaya dapat talagang mag-ingat,” paliwanag pa niya.

Paalala rin ng ACT-CIS nominee sa mga local government unit (LGU) na bantayan ang kanilang constituents sa pagsunod sa health protocols.

“Baka kasi naka-focus na kasi masyado ang LGUs natin sa halalan at hindi na sa pandemya,” pahabol ni Yap.

177

Related posts

Leave a Comment