BOLUNTARYONG sumuko ang apat na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa pinagsanib pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police sa Headquarters ng 1st Infantry Battalion,sa Brgy Tongohin, Infanta, Quezon nitong araw ng Sabado.
Bitbit ng apat na miyembro ng KLG NARCISO, SRMA4A ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang kargadong Garand rifle, isang Anti-Personnel Mine (APM), isang Shotgun at isang kalibre 38 revolver. Ayon sa mga nagpakilalang mga dating rebelde, hindi na nila kaya pa ang hirap na nararanasan sa kabundukan. Pagod na rin umano sila sa pakikipaglaban.
“The surrender of the four NPA members with firearms and explosives is a clear manifestation that the government’s sustained information dissemination is well and effectively disseminated in the far flung areas. It is also a realization of the futility of the CTG’s armed struggle as the government is effectively addressing the issues being exploited by the leftist terror group,” pahayag ni Colonel Cerilo C Balaoro Jr., na tumatayong Commander ng 202nd (Unifier) Brigade.
Sa kanilang talaan nitong nakaraang Agosto 26, nasa 46 na NPA, milisyang bayan at mga taga suporta ng NPA ang nagbalik-loob sa gobyerno. BIlang tugon naman ng pamahalaan, naglaan umano ng tulong at agapay para muling makapagsimulang mabuhay ng normal sa kapatagan. (CYRILL QUILO)
324 