IKINAKASA na ng gobyerno ng hanggang sa 2023 ang vaccine security roadmap o pagtalakay sa pagkakaroon ng bakuna.
Sinabi ni vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang roadmap ay para masiguro na hindi mawawala ang continuity plan lalo’t di alam kung hanggang kailan ang pandemya.
Aniya, ito ay naka-ankla sa national vaccination ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan ani Galvez ay abala sila sa tinatawag na Vaccination Operations para sa huli at ika-apat na quarter ng 2021. (CHRISTIAN DALE)
