NAGMISTULANG pasko ang Manila Police District Headquarters sa pagbisita ni National Capital Region Police Office chief Major General Vicente Danao na nagpa-raffle ng sobre-sobreng pera sa hanay ng mga pulis-Maynila.
Ayon kay MPD District Director Brigadier General Leo Francisco, bandang 3:00 ng hapon nang salubungin nito si Danao na nagbigay pagkilala sa 27 pulis, kabilang ang mga mababa ang ranggo at maging mga non-uniformed personnel (NUP).
Kabilang sa mga binigyang parangal si Lt. Col. Harry Lorenzo lll na hepe ng Jose Abad Santos Police Station. Bukod kay Lorenzo, humakot din ng iba’t ibang parangal ang nasabing presintong ginawaran ng pagkilala sa husay – Station Commander of the Year, Best Station at Best SDEU.
Sa kanyang talumpati, binalaan din ni Danao ang mga aniya’y abusado at tiwaling pulis, habang papuri naman ang inihayag para sa MPD director. (RENE CRISOSTOMO)
232 