CRIME RATE SA BICOL BUMABA NG 20 PORSYENTO

MULING pinatunayan ng buong hanay ng PNP Regional Police Office 5 ang determinasyon sa paghahatid ng dekalibreng serbisyo para sa mga Bicolano matapos na makapagtala sila ng 20.34% na pagbaba sa bilang ng mga kriminalidad sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng 4-point agenda na ipinatupad ni Bicol PNP chief P/BGen. Jonnel C. Estomo, RD, PRO5, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga krimen sa buong rehiyon.

Simula nang panunungkulan ni RD Estomo noong Abril 2021 hanggang Oktubre 28, 2021 bumaba ng 20.34% ang kabuuang naitalang mga insidente na mas mababa ng 4.88% kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Maria Luiza Calubaquib, base sa datos ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), 7,666 ang nairekord na krimen sa nasabing panahon na higit na mas mababa ng 1,443 noong 2020 na mayroong 9,109 na insidente.

Ito ay bunga ng mahigpit at masusing pagpapatupad ng batas kung saan 7,189 na kaso ang ikinonsidera nang “cleared”. Ito ay indikasyon na ang

mga suspek sa krimen ay natukoy na. Kasabay rin nito ang 5,858 “solved crimes” na ang ibig sabihin ay naihain na ang mga kaso at naaresto na ang mga may sala.

Kabilang sa mga naging estratehiya ng PNP Bicol ay ang paglulunsad ng iba’t ibang anti-criminality campaigns katulad ng kampanya kontra droga, wanted persons, at terorismo.

Bukod dito, puspusan din ang paglalatag ng mga programa at inisyatibo sa ilalim ng police community relations na naging tulay upang matiyak ang suporta at ipanalo ang tiwala ng publiko patungo sa isang ligtas at payapang komunidad. (JESSE KABEL)

282

Related posts

Leave a Comment