QUEZON – Nawawala ang isang empleyado ng DENR CALABARZON IV matapos na ito ay anurin ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito, noong
Huwebes ng umaga.
Kinilala ng General Nakar Police ang biktimang nawawala na si Rigor Gallardo Santos, 30-anyos, residente ng Brgy. Katipunan Bayani, Tanay, Rizal, at Forest Monitoring officer ng DENR.
Batay sa report ng General Nakar police, ang biktima kasama ang kanyang mga katrabaho ay nagsagawa ng monitoring and survey operation sa gagawing DENR plantation sa Sitio Binugawan, Brgy. Mahaba Lalim, General Nakar.
Tumatawid ang biktima sa Agos river patungo sa kabilang ibayo sa Brgy. Pagsangahan nang tangayin ito ng malakas na daloy ng tubig.
Sinubukan itong sagipin ng tatlong kasama ngunit mabilis na lumubog ang biktima at natangay ng malakas na agos.
Nagsasagawa pa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng local MDRRMO ng General Nakar at Infanta at pinaghahanap ang biktima. (NILOU DEL CARMEN)
249 