MAKUPAD NA LGUs PINATUTUTUKAN SA DILG

KINALAMPAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tututukan ang Local Government Units (LGUs) na kilos-pagong sa kanilang daily jab performance.

Sa kanyang Talk to the People, nitong Miyerkoles, sinabi ng Chief Executive na sa mga probinsiya at ilang rehiyon nagkakaroon ng problema kung pag-uusapan ay dami ng mga dapat na makatanggap ng bakuna.

Dahil dito, inatasan ng Pangulo partikular si DILG Secretary Eduardo Año na tutukan at papanagutin ang mga non- performing LGUs sa larangan ng inoculation o kaya ay hindi maayos na paggamit ng bakuna.

Pinakilos na rin ng Chief Executive ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mabilis na paghahatid ng mga bakuna sa ibang mga lugar sa bansa gamit ang kanilang air assets.

Ang apela naman ng Punong Ehekutibo sa mga LGU, sana’y mapag-ukulan ng panahon para matugunan ang anomang delay sa pagbabakuna na nangyayari sa kani-kanilang mga lugar.

Hangad ng pamahalaan na maitaas ang daily jab rate sa isang milyon. (CHRISTIAN DALE)

157

Related posts

Leave a Comment