7 PUGANTE NABITAG NG PNP-PRO5

ARESTADO ang pitong pugante sa ikinasang malawakang manhunt operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 laban sa mga wanted persons mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2.

Ang pitong nadakip ng mga awtoridad ay nahaharap sa iba’t ibang kaso, ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo.

Sa Camarines Sur ay dalawa ang nadakip, ayon kay PNP-PRO5 Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib.

Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, kinilala ang mga ito na sina Jose Emmanuel Tuy y Basco, 36, may kasong murder, at John Mark Paronda y Kuan, 41, may kasong paglabag sa Republic Act 7610 (child abuse).

Sa probinsya naman ng Sorsogon, dalawa rin ang nadakip na kinilalang sina John Paul Ducay Gracilla, 18, may kasong rape, at Wilson Legaspi y Moneda, 64, may kasong paglabag sa RA 7610.

Sa Albay ay nadakip sa kasong panggagahasa ang suspek na si

Jovy Herrera Paulino, 55-anyos.

Sa isla ng Catanduanes, nasakote ng Catanduanes Police Provincial Office ang suspek sa kasong acts of lasciviousness na si Pedro Zuniega y Fernandez, 47-anyos,

Sa Masbate naman ay bagsak sa kulungan ang suspek sa kasong multiple attempted murder na si Allan Pascua y Lignes, 48-anyos.

Ang pagkakahuli sa wanted persons ay resulta ng walang humpay at ‘di patitinag na pagpupursige ng PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)

165

Related posts

Leave a Comment