DAYO BINURDAHAN NG SAKSAK, PATAY

HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpaslang isang lalaki na natagpuan sa isang iskinita sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Domingo Jake Baranda Jr. y Lim, 32, binata, ng Parola Compound, Tondo.

Samantala, tikom ang bibig ng mga residente sa lugar hinggil sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section upang mabatid kung ang biktima ay napagbintangang asset ng pulis o nakadispalko sa kinuhang ilegal na droga.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD- Homicide Section kay P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, District Director, bandang 8:30 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima sa iskinita sa Blk. 17, Old Site, Baseco Compound sa Brgy. 649 sa Port Area.

Ayon kay P/Cpl. Allan Omabtang, tauhan ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD-Station 13, posibleng dayo lamang sa lugar ang biktima dahil walang nakakikilala rito sa mga residente. (RENE CRISOSTOMO)

194

Related posts

Leave a Comment