VETERAN DIRECTOR MIKE DE LEON MAY BAGONG LIBRO

mike23

WHATTA MEL(NI MELL T. NAVARRO)

MAY bagong librong isinusulat ang beterano at multi-awarded master director na si Mike de Leon na pinamagatang Last Look Back, edited by Patrick Campos, and currently being designed (art work) by Cesar Hernando (long time friend at production designer niya sa kanyang mga pelikula) at Tom Estera III.

Pero nilinaw ni Direk Mike na ang nasabing libro ay hindi autobiography.  Hindi naman daw interesting ang buhay niya, kung hindi commentary sa kanyang naging trabaho sa industriya  –  kasama na ang mga award-winning and classic films na nagawa niya all these years.

“It’s not an autobiography,” pagtutuwid ni Direk Mike sa isang maling article na na-post sa isang entertainment website, na ipinagpalagay na rito na tipong nagpapaalam na sa industriya ang direktor.

“My life is not that interesting.  It’s a commentary on my work as a film producer, screenwriter, cinematographer and director, including selected films dating back to my grandmother’s and father’s time — films that I still treasure and still inspire me.

“But I’m not saying goodbye, not just yet,” ani Direk Mike, na apo ni Doña Sisang, founder ng LVN Pictures na namayagpag sa pag-produce ng mga pelikula mula noong 1950s onwards at anak naman ng direktor na si Manuel de Leon.

Ang 71-year-old veteran director ay sinasabing isa sa living movie legends dahil halos nakasabayan niya ang mga yumaong sina Lino Brocka at Ishmael Bernal, both National Artists for Film.  Ilan sa mga classic films niya ay ang Kisapmata, Itim, Sister Stella L, Batch 81, Kakabakaba Ka Ba?, atbp.

# # #

KUNG hindi kami nagkakamali ay for the first time, gaganap si John Estrada sa isang true-to-life character sa pelikula na siya ang nasa title role.

Sa independent film na The Last Interview:  The Mayor Halili Story mula sa GreatCzar Media Productions, John plays Mayor Tony Halili, ang alkalde ng Tanauan, Batangas na binaril habang nasa flag ceremony ito sa mismong city hall nila sa nasabing siyudad.

Ayon sa producer at direktor ng pelikulang si Direk Ceasar Soriano, siya ang eksklusibong may “last interview” sa pinaslang na mayor, isang araw bago ito na-assassinate. Sa pelikula lamang ito matutunghayan.

Ayon kay Direk Ceasar, ginawa niya ang The Last Interview:  The Mayor Halili Story hindi dahil sa politika, kundi bilang tribute raw niya sa pinaslang na alkalde. In fact, after May elections pa ang showing nito.

Kasama rin sa cast sina Ara Mina, Martin Escudero, Mon Confiado, Yayo Aguila, at Juan Miguel Soriano, screenplay by Abet Padagdagan Raz at associate director si Aurel Ayson.  May premiere night ito sa Linggo, March 10 sa SM Cinema sa Lipa, Batangas.

 

319

Related posts

Leave a Comment