PATAYAN DIN SA BATANGAS

Samantala, patay rin ang isang dating konsehal na kapatid ng pinaslang na dating alkalde, matapos pagbabarilin ng hindi bababa sa limang suspek sa San Juan, Batangas, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng San Juan police ang biktima na si Francisco Hidalgo Jr., 58-anyos, negosyante, tubong Barangay Quipot, San Juan at residente ng Barangay Santiago, Malvar, Batangas.

Si Hidalgo na dati ring miyembro ng Philippine Navy ay dating municipal councilor ng Malvar, Batangas at kapatid ni dating Balete, Batangas Mayor Joven Hidalgo na pinaslang din taong 2017.

Batay sa report ng San Juan police, kararating lang ni Hidalgo sa kanyang furniture store sa Barangay Sico 1 dakong alas 8:00 ng umaga at pababa sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng mga suspek na gumamit ng maiikli at mahahabang kalibre ng baril.

Tumakas naman ang mga suspek na sumakay sa isang kulay puting sasakyan patungo sa direksyon ng bayan ng Rosario, Batangas.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo sa krimen at nagsasagawa pa ng manhunt operation laban sa mga hindi nakikilalang suspek. (JESSE KABEL/ NILOU DEL CARMEN)

320

Related posts

Leave a Comment