PAGBABAKUNA, PARTE NG ‘RESPONSIBLE TOURISM’

DAPAT ipatupad ng local government units (LGUs) ang “responsible tourism” para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at protektahan ang mga tourist destination sa bansa.
Himok ito ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) habang dumarami ang mga lokalidad na nagbubukas ng pinto sa mga turista.

“Nagtitiwala kami na alam ng LGUs ang importansya ng responsible tourism para sa sustainable development ng ating industriya at sa kaligtasan ng mga biyahero at turista,” sabi ni TURISMO Partylist nominee Wanda Tulfo-Teo.

Sinabi rin ng dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) na ang pagiging bakunado laban sa COVID-19 ay mahalagang bahagi ng responsible tourism, ang kultura ng pangangalaga sa ating tourist destinations para sa kapakinabangan ng mga darating na henerasyon.

Inaasahan ni Teo na mahigpit itong ipatutupad ng LGUs ang health and safety protocols na itinalaga ng presidential Inter-Agency Task Force (IATF) at ng the Department of Health (DOH).

“Bigyang-diin natin na ang pagluluwag sa travel restrictions at travel requirements hindi nangangahulugan ng pagluluwag sa health standards. Bagkus maging andap tayo sa pagsunod sa  health protocols ng mga bisita at host LGUs,” sabi ni Teo.

Kabilang ang world-famous Boracay Island at Cebu Province sa mga nagluwag sa travel requirements tulad ng pag-alis sa mandatory negative Covid swab test.

Ayon pa kay Teo, ang responsible tourism ay alinsunod sa programang ipinatutupad ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO) para sa sustainable and inclusive tourism development sa buong mundo.

Ang Pilipinas ay miyembro at naging host country ng UNWTO meetings noong administrasyon ni Teo na siya ring nagsulong ng rehabilitasyon ng Boracay Island noong 2018.

196

Related posts

Leave a Comment