IKINATUWA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto kamakailan sa isang lalaking nagpapakilalang liaison officer ng ahensya, sa Pasig City.
Ayon sa pahayag ni Morente, nagpasalamat siya sa Pasig City Police sa pagkakadakip sa fake officer sa Brgy. San Joaquin, Pasig City.
Ayon sa news reports, inalok ng suspek na hindi pinangalanan ni Morente, ang isang babae na magbayad ng mahigit sa P300,000 bilang placement fee para makapagtrabaho sa Africa.
Ngunit hindi umano nagpakita sa airport ang suspek sa araw ng flight ng biktima makaraang nagbigay ng bogus flight details sa huli.
“We encourage people to report these illegal recruiters and human traffickers, who prey on the vulnerabilities of aspiring OFWs. Let them face the harshest penalties of the law and rot in jail,” dagdag ni Morente. (JOEL O. AMONGO)
195 