BAGONG POSITIBO SA COVID-19 SA NAVOTAS, NASAWI

BINAWIAN ng buhay ang isang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas noong Nobyembre 13.

Hindi na naidagdag sa 25 active cases ang nasabing pasyente habang walang naitalang nakarekober sa pandemya sa lungsod sa nasabing araw.

Pumalo na sa 17,600 ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,032 na ang gumaling, habang umakyat sa 543 ang COVID death toll.

Wala namang iniulat na binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Malabon City, habang anim ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa. Sa kabuuan ay 21,244 ang positive cases sa Malabon, 62 dito ang active cases.

Apat namang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 20,536 ang recovered patients ng Malabon, habang nanatili sa 646 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)

177

Related posts

Leave a Comment