NANGYARI NA ANG KAGUSTUHAN NG MASA!!!

KABADO na nga ba sila? Ngayong nabuo na ang “the best tandem” para sa 2022 national at local elections? Ang Bongbong-Sara Tandem!!!

Nakakatuwa naman at nabago ang naging plano ng Pangulong Digong dahil sa halip na vice president ay senador na lamang ang tinakbuhan nito, target kaya niya ang Senate President?

Puwede!!! dahil magaling na abugado naman si PRRD, pero ang magandang balita n’yan ay hindi niya itinuloy ‘yung sabi niya na laban-laban na lang.

Dahil sa nasabing pananalita ng Pangulong Digong, inaakala tuloy ng karamihan ay magbi-bise siya kay Senator Bong Go (BG), mabuti na lang at nahimasmasan siya, at nanaig pa rin ang kanyang pagka-ama kay Inday Sara, dahil kung hindi ay para na rin niyang sinira ang political career ni vice presidentiable Inday Sara.

Ngayon ang problema na lang ay kailangang mabasura ang kinakaharap na disqualification case ni BBM sa Commission on election (COMELEC) para tuloy-tuloy na ang “the best tandem ng masa”.

Kaya nga dapat ­bantayan ng kampo ni BBM, ‘yung disqualification case nito, dahil kapag ­napabayaan ‘yang reklamong ‘yan, maaaring mayroong hindi magandang mangyayari dahil sa pagkandidato ni Bong Go bilang Pangulo, na huwag naman sanang ­mangyari ang nasa isip ko.

Balita ko nga mukhang ang iuupong chairman daw ng Comelec na ipapalit kay Comelec Chairman Sherrif Abas ay malapit na tauhan nina PRRD at Bong Go.

Dahil sina Chairman Abas, Commissioner Guanzon at Antonio Kho ay magtatapos ang termino sa darating na buwan ng Pebrero sa susunod na taon. Tatlong buwan bago ang halalan.

Na kapag naisagawa nga nilang mai-disqualify si BBM, masasabi nga ­nating tapos na ang ­boxing. At mangyayari na ‘yung ­sinasabing “Bong-Sara sa 2022”, natanggal na ang isang Bong sa Bongbong.

Pero umaasa pa naman ako sa integridad ng mga nakaupong mga ­komisyuner ng comelec na hindi sila padidikta at ­ilalabas nila ang tamang hustisya sa disqualification case ni BBM dahil wala naman silang dapat ipangamba dahil sila naman ay impeachable officials.

At sigurado namang mayroon ding bala ang mga election lawyer ni BBM na maaari nilang gamitin upang mapabasura ang ­disqualification case ni BBM.

At isa na nga riyan ay ang Aguinaldo Doctrine, isang magandang depensa, ayon ‘yan sa nakapanayam kung election lawyer, na malinaw raw ang isinasaad doon sa Aguinaldo Doctrine, kung kaya’t mainam siguro na aralin ‘yon ng mga abogado ni BBM.

Dahil kapag nangyari ‘yong pinapangambahan na diskwalipikasyon laban kay BBM, aba’y ‘di po natin masisi na maraming ­madidismaya at marahil ay mag-aaklas at mamundok na lamang… na huwag ­naman sanang mangyari.

172

Related posts

Leave a Comment