F2F CLASSES SA PT AT NURSING APRUB SA MAYNILA

TULOY na tuloy na ang pagbabalik ng face-to-face classes para sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong nursing at physical therapy sa Universidad de Manila.

Ayon sa isang kalatas ni Manila Mayor Isko Moreno, nakapasa ang UDM sa isinagawang pagsusuri at aktuwal na inspeksyon ng Commission on Higher Education (CHED) na siyang nangangasiwa sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Aniya, higit na kailangan ngayon ang kalidad na edukasyon, bagamat hindi pa rin umano dapat ipagwalang-bahala ang kalusugan ng mga mag-aaral, bagay na dapat aniyang dapat tularan ng iba pang paaralan.

Kasabay ng pagbati ng alkalde kay UDM President Felma Carlos-Tria, inaasahan naman ni Moreno na patuloy na iingatan ng nasabing pamantasan ang kapakanan at kinabukasan ng mga kabataan.

“We look forward to welcoming our Nursing and PT students back to a safe campus. Although these are the first two courses that will go on limited face to face,  we are already preparing the facilities for our other programs as well,”  sagot naman ni Tria.

“All our efforts are geared towards giving Merlions quality education in a safe and conducive environment,” dagdag pa ng akademista.

Para sa unang yugto, tiniyak ni Tria ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa limitadong bilang ng kanilang mga mag-aaral na makikibahagi sa F2F classes. (RENE CRISOSTOMO)

166

Related posts

Leave a Comment