BASKETBALL SA NAVOTAS PARA LANG SA BAKUNADO

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na tanging mga kumpletong bakunado lamang ang papayagang maglaro ng basketball sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ang order ay batay sa Resolution 21-28 series of 2021 ng Metropolitan Manila Development Authority kung saan nakasaad na tanging mga kumpletong bakunadong indibidwal lamang, 12-anyos pataas, ang maaaring maglaro o manood ng contact sports gaya ng basketball.

Sakop ng nasabing kautusan ang mga organisadong liga, maging ang mga tinatawag na “friendly games” at maaari lamang magtanggal ng face masks habang naglalaro.

Patuloy na hinihimok ng alkalde ang nasasakupan na magpabakuna dahil marami itong kaagapay na benepisyo.

“The more people outside, the more alive the economy. But that doesn’t mean we can neglect and gamble on our safety, especially the children,” ayon sa alkalde.

“Let’s not allow the number of infected people to rise again. Let’s be doubly careful and get vaccinated to protect our loved ones against the threat of COVID-19,” ayon sa punong-lungsod. (ALAIN AJERO)

152

Related posts

Leave a Comment