SANGKOT SA PAGPASLANG SA DSWD EMPLOYEE, NASAKOTE

ARESTADO ang 42-anyos na administrator ng barangay na sangkot sa pagpatay sa isang empleyado ng DSWD, sa Justice Hall sa Marikina City noong Miyerkoles.

Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Mejia Jr. y Rodriguez, barangay administrator, nakatira sa #215 Malaya St., Brgy. Malanday sa lungsod.

Dakong alas-3:00 ng hapon noong Nobyembre 17 nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section ang suspek sa ground floor ng Justice Hall sa Brgy. Sta. Elena, Marikina City.

Nauna rito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Acerey C. Pacheco ng RTC Branch 165 sa lungsod, laban sa suspek na “accessory to the crime of murder” sa insidenteng nangyari noong Oktubre 18, 2021.

Ayon sa ulat ng pulisya, sangkot ang suspek sa pagpatay umano sa isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (KNOTS ALFORTE)

204

Related posts

Leave a Comment