IMMIGRATION OFFICERS, MGA LIHIM NA BAYANI

MULA nang manalasa ang COVID-19 sa ating bansa ay ang frontliners ang mas naunang tinamaan nito, na siyang humarap sa panganib kahit buhay nila ang kapalit ng kanilang serbisyo para sa bayan.

Marami sa ating front-liners ang agad na tinamaan nito, ang medical staff, law enforcement agencies at maging sa mga tauhan ng Bureau of Immigration sa ating mga paliparan na maituturing nating mga bayani, ay isinuong ang mga sariling buhay upang mabantayan ang mga dayuhang pumapasok sa ating bansa at kababayan nating umaalis at umuuwi, na posibleng may dalang
nakamamatay na virus.

Ang ating frontliners sa airport ang isa sa mga agad na tinamaan nito na tanging ang panlaban lamang noon habang abala ang medical experts ng iba’t ibang bansa na makatuklas ng vaccine laban sa kumakalat na virus, ay ang Personal Protective Equipment ngunit sa kasamaang palad ay marami pa rin ang tinamaan kahit mayroon ng PPE.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay marami sa ­ating Immigration officers ang unang tinamaan at ilan dito ay nagbuwis ng kanilang buhay gayundin ang ilang Immigration personnel sa BI main office at ilan sa kanila ang namaalam na.

Hindi man natin ­nakilala ang mga bayaning ito at hindi makikita ang kanilang pangalan o litrato na nakaimprenta sa ating mga pera o textbooks, ay sila ang mga lihim na bayani na naglingkod sa ating bansa na hinarap ang panganib buhay man nila ang maging kapalit.

Pero paano naman kung ang ating Immigration officers ang nangailangan ng serbisyong medical, sila kaya ay hindi nakararanas ng pambabastos at diskri­minasyon?

Ilan sa mga ito ang nagsumbong sa atin patungkol umano sa hindi magandang trato sa kanila ng ilan sa medical staff ng BI kung saan sila ay minsang nakaranas ng pambabastos umano at kawalan ng respeto.

Ayon sa ating natanggap na reklamo, hindi umano naging maganda ang trato sa kanila ng BI medical team at tila nababastos ang kanilang mga ranggo ng isang baguhang doktor at ng kanyang assistant na si Sylvia Sanchez este Shiela pala na isa lamang job order employee ng ahensya.

‘Wag naman ganun, Doctor Maritess Ambray, sana ay irespeto ng inyong staff ang ating Immigration officers dahil sila ang mas humaharap sa panganib na dala ng virus na ito at kahit nag-aral kayo ng maraming taon sa medisina ay ‘wag natin kalimutang magpakumbaba sa ating kapwa at rumespeto.

Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

179

Related posts

Leave a Comment