MILYA-milya ang agwat ng lalawigan ng Cebu sa talaan ng pinakamayamang lalawigan sa buong bansa, batay sa 2020 annual financial report na isinapubliko ng Commission on Audit (COA) kamakailan.
Sa hanay ng mga lungsod, laglag naman sa ikalawang pwesto ang Makati City makaraang makapagtala ng mas malaking P421 bilyong net assets.
Pinakamayamang munisipalidad naman ang Limay sa lalawigan ng Bataan.
Sumunod naman sa Cebu na may P208.27 bilyong net assets ang mga lalawigan ng Batangas (P81.56B), Rizal (P20.97B), Davao de Oro (P18.75B), Bukidnon (P16.73B), Surigao del Norte (P13.19B), Isabela (P12.51B), Cavite (P12.42B), Leyte (P12B) at Iloilo (P11.2B).
Sa talaan ng pinakamayamang lungsod, nasa ikalawang pwesto ang Makati City na may P220.31B net assets, kasunod ang Maynila (P52.044B), Pasig City (P42.73B), Mandaue City (P31.3B), Cebu City (P17.68B), Zamboanga City (P17.61B) Taguig City (P16.37B), Davao City (P16.21B) at Caloocan City (P11.83B).
Sa hanay ng mga munisipalidad, nanguna ang Limay na mayroong P4.173B. Dominado naman ng mga bayan sa lalawigan ng Rizal ang talaan ng siyam pang iba – Caluya, Antique (P2.74B);
Taytay, Rizal (P2.43B); Cainta, Rizal (P2.38B); Binangonan, Rizal (P2.17B); Silang, Cavite (P2.147B); Claver, Surigao del Norte (P2.144B); Carmona, Cavite (P2.13B); Sta. Cruz, Ilocos Sur (P1.74B); at Pilar, Abra (P1.68B).
334
