Sa pagkakalutas sa double murder case OAS, POLANGUI MPS PINARANGALAN NI RD ESTOMO

BINIGYAN ng pagkilala ng pamunuan ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ang mga tauhan ng Oas MPS at Polangui MPS ng Albay Police Provincial Office dahil sa kanilang maagap at mabilis na pagkilos upang lutasin ang insidente ng kidnapping at pamamaril na ikinamatay ng isang Indian national at barangay kagawad noong Enero 21, 2022 sa Purok 5, Brgy. Maporong, Oas, Albay.

Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sina P/Maj. Karlo P. Dy; P/CMS Fernando B. Sabater; P/SMS Romeo R. Raro Jr.; P/SMS Ronald R. Gomez; P/SMS Salvador P. Precones Jr.; P/SMS Nestor O. Salire Jr.; P/SMS Christopher M. Gonzales; P/MSG James B. Mabini; P/SSgt. Mark Anthony R. Reblora, at P/Cpl. Edwarson J. Casimiro.

Ang nasabing parangal ay alinsunod sa direktiba ni PNP chief, Gen, Dionardo B. Carlos para sa kanilang natatanging pagganap sa tungkulin bilang mga alagad at tagapagpatupad ng batas.

Sa naturang seremonya, binigyang diin ni RD Estomo ang pagkondena sa masamang nagawa ng pulis na si P/Cpl. Bryan Aguilar at kapatid nitong si Raymond Isaac Salanga.

Sa kabilang dako, nasambit din ng hepe ng Bicol PNP, ang pagkalungkot at pagkadismaya sa naturang pangyayari. (JESSE KABEL)

445

Related posts

Leave a Comment