‘DI DAPAT BENGGADOR

HINDI na bago ang kalakaran ng pagbibitbit ng sariling koponan ng isang bagong administrasyon, lalo pa’t hanap ng isang pinuno ang mga taong tiyak niyang may kakayahang isakatuparan ang mga ipinangako niyang plataporma.

Sino ba naman kasi ang papayag na ipagkatiwala ang sensitibong pwesto sa mga ‘di bahagi ng kanyang grupo.

Ang siste, labis pa sa angkop ang pag-upo ng bawat bagong pinuno, sukdulang idiin pa ang mga tinalo.

Sa aspetong ito naiiba ang isang pambatong nagpahayag ng kahan­daang italaga maging ang mga nasa kabilang kampo.

Kahanga-hanga. Talagang nakakamangha ang tinuran ng nangungunang kandidato. Ani dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, pagkakaisa ang dapat manaig pagkatapos ng halalan.

Tama rin naman – ang pagbangon ng bansa ay dapat lang naman pagtulung-tulungan.

Ang kailangan ng bansa, isang pangulong hindi benggador at hindi kunsintidor, bukod pa sa may ­kakayahang magbuklod sa bansang binasag ng kanya-kanyang manok sa pulitika.

Sa puntong ito, mahirap maniwala. Hintayin natin ang susunod na kabanata.

182

Related posts

Leave a Comment