DESPERADO NA ANG KALABAN NI RED MARIÑAS

ANG pamamayagpag ng social media sa panahon ngayon ng pandemya ay isa sa mahalagang pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga nangyayari sa ating bansa partikular sa lagay ng ­COVID cases at maging ang maaanghang na batuhan ng akusasyon ng ilang magkakalaban sa pulitika.

Kagaya na lamang ng hindi pagdalo ni presidential ­aspirant Bongbong Marcos sa isang interview sa programa ni Jessica Soho, na sinamantala ng kanyang mga katunggali sa pagka-pangulo, na ang maliit lamang na bagay ay kanilang pinalaki upang butasan ang kakayanan nito sa pagiging lider ng bansa kung sakaling ito’y manalo sa darating na halalan.

Ganito na karumi ang pulitika sa bansa, kung ‘di umupa ng hired killer upang makamit ang tagumpay mula sa kanyang kalaban, ay isang pamamaraan din ng iba ang magbayad ang isang kandidato sa ilang member ng media news agency upang siraan ang isang kandidato gamit ang kanilang popularidad.

Sa lagay ngayon ng pulitika sa lungsod ng Muntinlupa ay muling tumatakbo sa pagka-mayor ang dating opisyal ng Bureau of Immigration na si Red Mariñas at ang kanyang katunggali na si Congressman Ruffy Biazon dahil last term na ng kasalukuyang si Mayor Jaime Fresnedi.

Sa kabila ng pagsuporta ng Muntinlupeño kay Mariñas na ninanais ang pagbabago sa lungsod, ay pilit pa ring ibinabato sa kanya ng kanyang mga katunggali ang Pastillas scheme na kahit hindi naman kasama ang kanyang pangalan sa mga nakasuhan.

Ganito na lamang ba kadesperado ang katunggali ni Mariñas na gamitin ang isang mambabatas upang siya’y gipitin at pilit na kasuhan kahit wala naman itong kinalaman?

Matagal na nating isiniwalat na ang Pastillas Scheme ay isang pakana lamang ng isang malaking sindikato sa Bureau of Immigration kasabwat ang ilang mambabatas upang siraan ang ahensya at maiupo ang nais nilang mailagay sa puwesto upang magkamal ng salapi sa pamamagitan ng korapsyon ngunit sa kabutihang palad ay hindi nagwagi ang sindikato at inilagay ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang nararapat na pumalit kay Red Mariñas bilang port operations chief sa airport.

Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

219

Related posts

Leave a Comment