ISINUSULONG ni Senador Richard Gordon ang panukala para sa pagtatayo ng special court para sa mga kaso laban sa mga pulis.
Sa kanyang Senate Bill 2331, iginiit ni Gordon, chairman ng Senate Justice and Human Rights Committee chairman, na dapat mapabilis ang paglilitis sa mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang uri ng paglabag,
“There exists a significant and overarching constitutional and fiduciary principle that those entrusted with public power are accountable to the public for the exercise of their trust,” saad ni Gordon.
“Our institutions must be seen as an instrument which signals competence and organizational trustworthiness. What we see and hear nowadays foster fear of the law enforcers. Kaliwa’t kanan na batikos ang inaabot ng PNP,” dagdag nito.
Inihalimbawa ni Gordon nag kaso nina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz na na-convict sa kasong murder charges kaugnay sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos noong Aug. 2017.
Tinukoy din nito ang kaso ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa pagpatay sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio noong December 2020.
Si Police Corporal Oliver Ferrer na nakapatay sa kanyang kainuman dahil sa paglalaro ng kanyang armas noong September 2021.
Iginiit ni Gordon na kailangang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Philippine National Police sa pamamagitan ng pagkakaroon ng special system na magpapabilis ng pagdinig sa kanilang mga kaso.
“This bill is in no way a form of punishment, but a guarantee of efficiency in handling decisions and resolutions of cases. This will provide the public fair, impartial and speedy disposition of complaints for violations of constitutional rights, PNP operational procedures and code of ethical standards,” diin ni Gordon.
Sa ilalim ng panukala, magtatalaga ang Supreme Court ng isang special court bilang Police Law Enforcement Court sa mga Regional Trial Courts ngayon at mangangasiwa sa civil at criminal cases na kinasasangkutan ng mga pulis. (DANG SAMSON-GARCIA)
221
