TIMBOG ang pito katao matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang tupadahan sa Malabon City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Marcos Sablan, 54; Jerald Nuñal, 37; Jhone Cayetano, 48; Danilo Mirano, 59; Dominador Sangcap, 68; Antonio Dela Vega, 63, at Niño Cuevas, 43-anyos.
labon Police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap ng ulat sa pamamagitan ng SMS mula sa isang concerned citizen, ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa nagaganap na tupada sa kahabaan ng Block 48, Brgy. Longos.
Agad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo at nakipag-coordinate kay SS-5 Commander P/Lt. Mark Xyrus Santos saka pinuntahan ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa pitong indibidwal dakong alas-10:20 ng umaga.
Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang dalawang patay na panabong na manok na may tari, at P3,700 bet money. (FRANCIS SORIANO)
268 