DIETHER OCAMPO SUGATAN SA AKSIDENTE

basag

WASAK ang sasakyang minamaneho ng isang sikat na showbiz personality makaraang sumalpok sa sinusundang trak ng basura sa kahabaan ng southbound lane ng Osmeña Highway service road sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Sugatan sa nasabing insidente ang dating matinee idol na si Diether Ocampo na nagmamaneho ng kanyang mamahaling Ford Explorer na SUV.

Kwento ng driver ng trak, nagulat umano siya sa lakas ng pagkasalpok ng kasunod niyang sasakyan. Sa lakas ng pagkakabangga, umangat ang hood ng SUV at umurong ang bumper nito.

Nang bumaba sa minamanehong trak para tingnan ang pinsala, tumambad sa kanya ang artistang si Ocampo na noo’y naipit at ‘di makalabas sa kanyang SUV. Agad namang isinugod sa pagamutan ang aktor matapos tulungan ng nagrespondeng emergency rescue team ng Philippine Red Cross.

Wala pang pahayag ang kampo ng aktor hinggil sa insidente. (LILY REYES)

373

Related posts

Leave a Comment