MPD ZERO NA SA COVID-19

covid

MAGANDANG balita, wala nang kaso ng COVID-19 sa mga tauhan ng Manila Police District hanggang noong Pebrero 23, 2022.

Ito ang magandang balita na ibinida kahapon ni P/Major Philipp Ines, hepe ng MPD – Public Information Office.

Ayon sa inilabas na datos ng PIO, wala na ring pulis na nakaratay sa ospital o quarantine facility.

Lahat umano ng 1,154 pulis na dinapuan ng COVID 19 ay nakarekober na maliban sa 5 pulis na namatay noong kasagsagan ng pandemya.

Gayundin, sinabi ni Ines na kumpleto nang bakunado ng COVID-19 vaccines halos lahat ng mga pulis Maynila.

Sa kabila nito, patuloy na pinag-iingat ang mga pulis at pinasusunod sa health protocols. (RENE CRISOSTOMO)

180

Related posts

Leave a Comment