NAGDEKLARA na si Russian President Vladimir Putin ng special military operations laban sa Ukraine kahapon (Feb. 24).
Ito’y sa kabila ng bantang sanctions ng Amerika at Europa sa Russia kapag itinuloy ang invasion sa Ukraine.
Inanunsyo ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na nagsagawa na ng full-scale invasion ang Russia sa kanilang bansa.
Kinumpirma rin ni Kuleba na daan-daang Ukrainian ang casualties matapos sunod-sunod na bombahin ng Russian forces ang Kharkiv, ang syudad na nasa timog na border ng Russia.
Nangako naman si US President Biden na pananagutin ng buong mundo si Putin sa ginawang pag-atake sa Ukraine nitong Huwebes.
“President Putin has chosen a premeditated war that will bring a catastrophic loss of life and human suffering,” galit na pahayag ni Pres. Biden.
Sa kabila ng bombahan sa Kharkiv, maraming overseas Filipino workers sa Kiev at iba pang syudad sa Ukraine ang ayaw umalis doon para magtungo sa ibang ligtas na lugar.
Bakit nga ba ayaw nilang umuwi sa Pilipinas sa gitna ng giyera doon?
Ayon sa ilang OFWs, matahimik pa naman sa Kiev, normal ang sitwasyon at walang anumang nangyayaring tensyon o pag-atake ng Russian military.
Katuwiran ni OFW Carol Castillo, mas pipiliin pa raw nilang manatili sa Ukraine kaysa umuwi ng Pilipinas dahil takot silang mamatay ang pamilya sa gutom.
Sakali man daw sumiklab ang giyera sa Kiev, naghanda naman ang Philippine Embassy sa Poland ng contingency measures para mailigtas ang mga Pinoy sa Ukraine.
Ipagdasal po natin ang mga kabayaning OFW sa Ukraine at ang mga nasawi sa pag-atake ng Russia.
***
Good News!!
Congrats muna kay #AKOOFW party-list nominee Coco Naik dahil inendorso siya at ang buong partido ni Labor Secretary Bebot Bello III.
Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang #AKOOFW party-list na pinamumunuan ni Dok Chie Umandap, kasama sina Naik at Reynald Santos.
***
Emosyonal ang naramdaman ng ating kabayani mula sa Qatar nang siya ay makauwi ng Pilipinas.
Konting kalungkutan ang naramdaman ng ating kabayaning si Christian George dahil hindi na niya maipagpapatuloy ang pagtatrabaho at malalayo na siya sa mga kapatid niya sa Qatar.
Pero, masaya naman si Christian dahil sa kanyang pagbabalik-bansa ay muli naman niyang makakapiling ang kanyang mga magulang.
Si kabayaning Christian ay nagkasakit ng diabetes at nagka-kumplikasyon sa kidney mula pa noong taong 2018.
Dahil dito, hindi na makapagtrabaho pa ang ating kabayani at sa katagalan ay naging problema rin niya ang kanyang gastusin sa pagpapagamot sa karamdaman sa Qatar.
Inilapit si kabayaning Christian ng isa sa kanyang kamag-anak kay Ginoong Joseph Rivera na isang longtime advocate at aktibong lider ng #AKOOFW sa Middle East.
Agad naman itong ipinaalam ni sir Joseph kay Doc Chie na mabilis pa sa alas kwatro na tumugon at umaksyon.
Tinawagan ni Dok Chie ang OWWA para sa maayos na proseso ng pag-uwi at iba pang pangangailangan ni kabayaning Christian.
Masaya siyang sinalubong ng mga staff ng OWWA sa Terminal 3, at ng buong grupo ng #AkoOFWpartylist.
Ipagpatuloy mo ang pagpapagamot at hangad namin sa Aksyon Bantay OFW at Saksi ang iyong agarang paggaling.
Welcome home kabayaning Christian!
Para sa inyong reklamo, komento, suhestiyon at reaksyon, magpadala lang ng mensahe sa dzrh21@gmail.com.
243 