PINSAN NI ROBREDO, SI BBM ANG SINUSUPORTAHAN?

MAS piniling suportahan ni Irvin Sto. Tomas, isang guro at cultural activist, ang kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) kaysa kanyang pinsan na si Vice President Leni ­Robredo.

Inamin ni Sto. Tomas na noong 2013 ay sinuportahan niya si Robredo nang tumakbo itong bilang kongresista sa kanilang probinsiya.

Subalit nadismaya si Sto. Tomas kay Robredo dahil lahat ng ipinangako nito ay hindi natupad.

“This election hindi naman talaga siya kung sinong relative mo o kung sinong kababayan mo. Election is actually to elect a president na magli-lead sa country. Kilala ko naman si Leni because I campaigned for her in 2013 nung nag-congresswoman siya. For me it’s BBM and Sara,” sabi pa ni Sto. Tomas.

Aniya, hindi lamang siya ang diskumpiyado kay ­Robredo dahil marami rin silang kababayan ang ­naghanap ng mga pangako nito para sa Bicolanos na nauwi lamang sa wala.

“Yun nga ‘yung hindi nakakatuwa, meron na sanang chance ang Bicol na may congresswoman at naging vice president kaso parang na neglect pa rin ang region,” ayon pa sa kanya.

Sinabi naman nina Benjamin Contreras Jr. at Victoria Gumabao, kapwa residente ng Naga City, na sila ang pasimuno ng mga caravan sa Bicol region upang ipakita ang suporta sa UniTeam.

Alam nila na balwarte ni Robredo ang nasabing lalawigan, ngunit balewala ito sa kanila dahil naniniwala sila sa kakayahan, galing, katapatan at pagmamahal sa bayan nina Marcos at Duterte.

Nagulat ang dalawa nang mahigit sa 5,000 Bicolanos ang dumalo sa kanilang caravan kahit na biglaan lamang at hindi planado ang ginawa nilang aktibidad.

“Hindi lang naman ako e. Marami kami. ‘Yung iba silent BBM supporters kasi takot sila na ma-bash at ma-ostracize ng mga tao. Pero ako, matagal na noon pa, Marcos ­loyalist talaga ang pamilya namin,” banggit pa ni Contreras.

Matatandaan noong Pebrero 8, nakapagtala ang vlogger na si ‘Euphoniaco tv went viral’ ng 1.1 million views at nag-viral ito sa social media nang kunan ng pahayag ang mga Bicolano na bumiyahe pa mula Bicol papuntang Bulacan para lamang dumalo sa proclamation rally ng UniTeam.

“Lahat po sila volunteers, ang puhunan lang nila, pagmamahal sa bayan,” sabi pa nila.

“Walang solid Bicol dahil kami mismo ay hindi boboto kay Robredo”, ayon pa sa isang supporter.

Sa nakalipas na survey ng Tangere, isa sa pinakamalaking online research panel, nakapagtala si Marcos ng 45.27% voters preference sa Bicol region kumpara sa 25.57% ni Robredo.

Ayon sa impormasyon, 30 grupo mula sa Bicol ang lantarang nagpahayag ng suporta sa UniTeam BBM-Sara sa kabila ng kanilang pangamba na maaari silang makaranas ng mga pag-alipusta at harassment sa mga taga-suporta ng katunggali na si Leni Robredo na sinasabing may balwarte sa nasabing rehiyon.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit laging lamang si BBM sa mga survey laban kay Robredo, maging sa Bicol, Region 5.

Hindi katulad ni BBM na may Solid North na may Solid Waray pa dahil ang kanyang ina ay taga-Leyte na ang salita ay waray.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

233

Related posts

Leave a Comment