1,050 counts ng statutory rape, 382 counts ng rape REGIONAL MOST WANTED, LAGLAG SA PNP-PRO5

WINAKASAN ng PNP-PRO5 ang paghihirap ng dalawang paslit at isa pang biktima sa kamay ng 63-anyos na lolo na tinaguriang rank 1 regional most wanted person ng PNP Bicol, dahil sa 1,050 counts ng statutory rape, at 382 counts ng rape, sa pamamagitan ng pagdakip sa suspek ng mga tauhan ni Bicol PNP Regional Director Jonnel C. Estomo.

Ayon sa ulat mula sa Catanduanes Police Provincial Office, isang law enforcement operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ng Caramoran MPS, Regional Intelligence Unit-Provincial Intelligence Team (RIU-PIT) 6 Catanduanes, Criminal Investigation and Detective Group-Provincial Field Unit Catanduanes (CIDG-PFU), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company (Cat2nd PMFC) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Para sa kapakanan ng dalawang menor de edad, itinago sa pangalang “Ai” ang suspek na nadakip kamakalawa sa bayan ng Caramoran.

Si Ai ay tinaguriang rank 1 regional most wanted person ng Bicol dahil sa patong-patong na mga kaso ng panggagahasa.

Ang suspek ay inaresto batay sa inilabas na warrant of arrest na inisyu ni Judge Genie G. Gapas-Agbada, ng Regional Trial Court, Branch 42, Virac, Catanduanes, para sa 900 counts ng statutory rape, 382 counts ng rape, at isa pang hiwalay na kaso ng 150 counts ng statutory rape.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa lahat ng 1,432 bilang ng mga kaso ng suspek.

Kasalukuyang nakapiit na ang suspek sa Caramoran MPS at nakatakdang ipresenta sa hukuman. (JESSE KABEL)

210

Related posts

Leave a Comment