PEKENG AGENT, NAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Isinuplong ng sariling ama ang isang 44–anyos na lalaki na walang habas na nagpaputok ng baril sa Brgy. Muzon, sa bayan ng San Luis sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng hepe ng San Luis Municipal Police Station na si P/Lt. Geronimo Manalo kay Batangas Provincial Director P/Col. Glicerio Cansilao, kinilala ang suspek na si Sherwin Holgado y Mañabo na tubong Cabanatuan City.

Base sa ulat ng himpilan ng pulisya, bandang alas-4:16 ng hapon noong Martes nang iulat ni Florendo ang insidente ng pagpapaputok ng baril ng kanyang anak.

Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad at dinis-armahan ang suspek na nakumpiskahan ng baril na 9mm Glock 19x na may serial no. ADHY128 ngunit walang lisensya.

Sa paghahalughog ng mga awtoridad ay nakuha rin sa suspek ang PDEA, NBI badge at ID.

Dinala na sa kustodiya ng pulisya ang suspek at bineberipika kung mayroong tinamaan sa insidente ng pamamaril.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Omnibus Election code ng Comelec. (CYRILL QUILO)

349

Related posts

Leave a Comment