Anti-drug ops pinaigting KALAKALAN NG DROGA BALIK-NORMAL

TUMAAS ang volume ng nasabat na ilegal na droga sa isang operasyon noong nakaraang linggo sa gitna ng pagluwag sa paggalaw sa maraming lugar sa ilalim ng “most relaxed” Alert Level 1.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakasabat ang mga awtoridad ng kabuuang P424.7 million mula Pebrero 27 hanggang Marso 5, mula lamang sa P159 million na nasabat sa dating seven-day period mula Pebrero 20 hanggang 26.

“So ito po ay maaaring bunga na din ng pagluluwag natin, nagkaroon ng mobility, kumilos ang mga tao at puwedeng samantalahin po ng mga illegal drug traders. Lalo pa natin paiigtingin ang ating mga operation para siguradong hindi mapagsamantalahan ng mga illegal drug operators ang ating pagbaba ng kaso at pagluluwag sa Alert Level 1,” dagdag na pahayag nito.

Iniulat pa ng Kalihim na may 1,307 drug suspects ang nahuli sa 916 operasyon.

May kabuuang 76 drug personalities ang sumuko habang isa naman ang namatay sa isinagawang police operations.

Ang mga nakumpiskang illegal drugs sa weeklong operation ay kinabibilangan ng 7.5 kilo ng shabu, 3,114.2 kilo ng marijuana, 1 gramo ng cocaine, at 1.2 gramo ng ecstasy.

Kasunod ng implementasyon ng Alert Level 1 sa maraming lugar, tinukoy ni Año na ang bilang ng mga granular lockdown areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay bumaba sa 37.

Sa nasabing bilang, 31 ay nasa Cordillera Administrative Region, apat sa Ilocos Region at dalawa naman sa Kalakhang Maynila.

“On health protocol violations, 33,143 persons were warned, 7,596 were fined, 2,640 were subjected to community service, 10 were brought to inquest proceedings and 1,132 others were arrested and charged for not wearing face masks,” ayon sa Kalihim.

Sinabi pa ni Año na ang bilang ng mass gathering violators ay tumaas ng 57.85% na may 350 katao naman ang binalaan at dalawa ang pinagmulta. (CHRISTIAN DALE)

561

Related posts

Leave a Comment