PAGKAKULONG NG ISANG KONSEHAL SA LALAWIGAN NG QUEZON HINDI ILLEGAL

TAHASANG sinabi ng isang criminal lawyer na walang ­illegal sa naganap na detention sa isang konsehal ng Lopez, Quezon.

‘Yan ang tahasang sagot ni Atty. Merito Lovensky Fernandez nang interbyuhin ito ng isang ­batikang broadcaster ng radyo kaugnay sa nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan dahil sa reklamo ng paglabag sa Revised Penal Code.

Paliwanag ni Atty. Fernandez, kung may asunto sa korte si Councilor Yulde, ibig sabihin ay naisyuhan ito ng warrant of ­arrest kaya siya nakulong. So ‘yung kanyang detention is not illegal. Na-detain siya because of a case and warrant of arrest na na-issue ng hukuman laban kay Yulde.

Dagdag pa ng abogado, wala rin aniyang pananagutan ang korte at ang mga pulis na nagpatupad ng warrant of arrest at humuli kay Yulde hanggang sa ito ay makulong.

Paglilinaw pa ni Atty. Fernandez sa broadcaster, “Wala pong liability ang mga pulis at ang korte dahil may presumption of ­regularity po lahat ‘yan. ‘Yung pong mga pulis they acted on the basis of the warrant of arrest. ‘Yung judge naman po will not ­issue a warrant of arrest kung wala siyang nakikitang probable cause dun sa kaso, kaya siya ­nag-issue ng warrant. Those are legal”.

Idinagdag pa ni Atty. Fernandez na… “Kahit nga po ‘yung fiscal na nag-imbestiga, nag-preliminary investigation, wala rin pong ­liability”.

Ayon pa kay Atty. Fernandez… “Sa theory nila dahil na-dismiss ang kaso at sinasabing spurious daw po ang mga documents na ginamit, ‘yun ang dahilan kung bakit siya nakulong, kaya serious illegal detention”.

Binigyang diin ni Atty. Fernandez na hindi uubra ito dahil aniya… “regardless of the outcome of the case, kahit pa na-dismiss ‘yun ay hindi puwedeng kasuhan ang complainant o ‘yung nag-build up ng kaso at kasuhan ng illegal detention”.

Upang maipaliwanag nang husto ay binigay na halimbawa ni Atty. Fernandez ‘yung kaso ni ­Hubert Webb na nakulong nang matagal na panahon, pero pag-akyat sa Supreme Court ­na-reverse ang kaso at ­na-dismiss dahil hindi pinaniwalaan ng ­Supreme Court si Jessica Alfaro. Does it mean na puwedeng kasuhan ni Hubert si Jessica ‘pag ang NBI ang nag-build up ng kaso? Hindi po. So regardless of the ­outcome of the case, walang liability na serious illegal detention, ang awtoridad.

Ang nakikita ni Atty. Fernandez dito ay isang “political propaganda” to smear the name of Congresswoman Helen and director Ronnel Tan kaysa sina­sabing reklamo.

141

Related posts

Leave a Comment