POLITICAL FORUM TABLAHIN SA GRAD RITES

DAPAT maging malaya sa anomang electioneering at partisan political activity ang pagsasagawa ng End-of-School-Year (EOSY) rites.

Sa virtual press briefing, inulit ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio ang mahigpit na pagsunod sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering and Partisan Political Activity.”

Karaniwang naiimbitahan na magsalita sa mga graduation/recognition rights ay mga politiko na sinasamantala naman ang pagkakataon para sila mangampanya.

Ang paliwanag ni Torio, ang EOSY rites ay isinasagawa ng “solemn and dignified manner” — ang nasabing okasyon ay hindi dapat ginagamit bilang “political forum.”

At upang masiguro na ang EOSY rites ay malaya mula sa pulitika, ang mga eskuwelahan ay inatasan na tiyakin na ang kanilang magiging guest speakers ay naka-pokus lamang ang mensahe sa tema ng EOSY rites kung saan ito’y “K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity.”

Kailangan din na sabihan ng mga eskuwelahan ang kanilang guest speakers para sa EOSY rites “not to campaign for anyone or any political party.”

“Schools shall ensure that no election-related paraphernalia, such as streamers, posters, stickers, or other election-related items are distributed or displayed within the school premises or online,” paalala ni Torio.

Samantala, sinabi ni Torio na ang recognition rites para sa ibang grade levels ay maaaring isagawa virtually para sa limited face-to-face setup.

Gayunman, ang paliwanag ni Torio kung gagawin sa limited face-to-face setup, kailangan na hiwalay ito graduation rites o moving up/completion ceremony upang masiguro ang physical distancing at pagsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) health protocols.

Idagdag pa, ang paalala ni Torio sa mga pampublikong eskuwelahan na ang anomang kaugnay na aktibidad ay dapat na sagutin ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng eskuwelahan.

Kaugnay nito, sinabi ni Torio na “no DepEd official or personnel shall be allowed to collect any kind of contribution or graduation fee, moving up/completion ceremony or recognition rites.” (CHRISTIAN DALE)

327

Related posts

Leave a Comment