CAVITE – Pitong estudyante, dalawa sa kanila ay kumukuha ng kursong Criminology, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.
Kinilala ang arestadong mga estudyante na sina Niñonel T. Lubuguin, 24; Jhon Kevin A. Samonte, 20; Ryan C. Sarmiento, 20; John Patrick O. Gonzales, 22; Micko Timpoc, 21; Jun Carlo Nablo, 22; at Mico C. Sustal, 21-anyos.
Ayon sa ulat ng Tanza Police, alas-6:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PNP-DEG SOU 4A at Tanza MPS sa bahay ni Lubuguin sa Brgy. Halayhay, Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa pito katao na pawang mga estudyante.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 117 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, tube pipe na may lamang marijuana, drug paraphernalia, Smart phone at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)
161 