P98-M LOTTO JACKPOT NADALE NG TAGA-NEGROS OCCIDENTAL

TUMATAGINTING na P98,551,582 jackpot sa Grand Lotto 6/55 ang napanalunan ng isang mananaya sa Negros Occidental sa draw noong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng lucky winner ang kombinasyong numerong 09-17-45-39-35-15 sa ticket na binili sa La Carlota City, Negros Occidental.

Maaaring kubrahin ito ng nanalo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, dalhin lamang ang ticket at dalawang identification cards. (CYRILL QUILO)

157

Related posts

Leave a Comment