Isinarang kalsada sa Malabon DAGDAG KALBARYO SA MGA MOTORISTA

KASABAY ng pagsirit ng presyo ng krudo at gasolina, nadagdagan ang pinapasang krus ng mga motorista sa Malabon City.

Ngayong araw ang unang “Biyernes Santo” ng mga motorista sa nasabing lungsod dahil pansamantalang isinara ang Damson Road sa Barangay Muzon at Dampalit dahil sa gagawing pag-upgrade sa mga kalsada at kanal.

Ang masaklap at tiyak na magiging dahilan ng pag-usok ng maraming bumbunan, ay maaari umanong tumagal ito ng tatlong buwan, ayon sa pamahalaang lungsod.

Kaugnay nito, inabisuhan ng city hall ang lahat ng mga sasakyan na manggagaling sa Dampalit papuntang Governor Pascual Avenue na maaaring dumaan sa Don Basilio Bautista Boulevard.

Lahat naman ng sasakyan na manggagaling sa Governor Pascual Avenue papuntang Dampalit ay maaaring dumaan sa General Luna Street patungong Hulong Duhat.

Sa kabila ng abala, umaasa umano ang pamahalaang lungsod sa pang-unawa ng lahat. (ALAIN AJERO)

224

Related posts

Leave a Comment