P143K BATO TIKLO SA OBRERO

NAKUMPISKA sa isang obrero ang tinatayang P143,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Albert Rinosa y Diocariza alyas “Abet”, 40-anyos.

Natiklo si Rinosa dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Huwebes, Marso 17, sa Rami St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover cop.

Aabot sa 21 gramo ng shabu na may presyong P143,000, ang nakumpiska sa suspek kasama ng buy-bust money at isang android cell phone. (ALAIN AJERO)

168

Related posts

Leave a Comment