NANGAKO si Senadora Imee Marcos na hindi titigilan ang pagsisiyasat hinggil sa ‘security breach’ ng Smartmatic hangga’t hindi lumalabas ang buong katotohanan.
Sinabi Marcos na kailangan matunton kung sino ang nag-utos at sino ang makikinabang ang sa mga lumabas na impormasyon mula sa mga nailabas na impormasyon.
“Yes, we are not sure kung si employee was planted there at the start or if he was bribe,” saad ni Marcos sa panayam sa DWIZ.
“Ongoing pa ‘yan (sino nag-utos) ang inaalam. Ang importante dito ang media at taumbayan nakabantay. Lahat tayo nakatutok hanggang May 9, walang tulugan ito,” dagdag ni Marcos.
Idinagdag pa ng senadora na pag-uusapan pa nila sa Senate Committee on Electoral Reforms kung kailangan pang iharap sa susunod nilang hearing ang dating empleyado ng Smartmatic o maaring ang National Bureau of Investigation na lamang ang maglatag ng mga impormasyon.
Sa ngayon anya ay hawak na ng NBI ang empleyado at mayroon na rin itong affidavit na ginawang batayan para sa search warrants at pagpapatawag ng NBI sa iba pang isinasangkot.
Muling nanawagan ang senadora sa lahat na maging mapagbantay upang matiyak pa rin ang kredibilidad ng halalan sa Mayo 9. (DANG SAMSON-GARCIA)
156 